Mandacpan Volleyball Boys kampeon sa 3rd Inter-School Sports Tournament
Volleyball Boys ng Mandacpan E/S kasama ang tagapagsanay na si G. Noel A. Barbajo at Konsehal Cromwell P. Nortega.
Masuwerteng napanalunan at naidepensa ang pagiging kampeon ng mga manlalaro ng Volleyball Boys ng Mandacpan Elem. School ang back to back champion na ginanap sa Father Urios Saturnino Gymnasium noong April 7, 2019. Ang mga manlalarong ito ay sina Mark Jundie G. Gallentes, Cris John R. Ando, Louiejay P. De Veyra, Christopher Bryan D. Dignos, Vincent Bryan Dignos, Travis Espina, Gerald Q. Garcia, John Laguesma, Sharan Rave P. Portes. Sila ay nakatanggap ng P 10,000.00 premyo kasama na nito ang medalya at sertipiko.
Pumapangalawa naman ang Paaralang Elementarya ng Dulag na may kaakibat na medalya at P7,000.00. Nasa ikatlong pwesto ng Paaralang Elementarya ng JT Domingo Sentral na may medalya at P5,000.00
Sa naturang laro kinikilala ang kahusayan ng mga batang manlalaro; Best Setter – Louiejay P. De Veyra, Best Receiver – Travis Espina, MVP – Mark Jondie G. Gallentes, Best Open Spiker – Joseph Agner (Dulag E/S).
Tuwa at galak ang nararamdaman ng bawat isa nang patuloy na hinawakan ng Mandacpan Elem. School ang nasabing kampeonato. Ang walang kupas na tagapagsanay na si G. Noel A. Barbajo ang siyang walang kapagurang nagsanay sa mga kabataang ito. (Daisy C. Balasabas, Teacher III, DepEd Butuan City Division)