Buwan ng Wikang Pambansa, ipagdiriwang
By ANNA LIZA J. ARCA
Imelda Mar Elementary School
South Butuan District I
Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg., 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wikang Pambansa 2023 ay ipagdiriwang sa Agosto 1-31, 2023 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Layunin ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito, at Mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko.
Ito rin ay naglalayong Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.
Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023, ipapatupad ng KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 06-02 Serye 2023 na nakatakda ng temang Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan at naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika. ###