BCES Alumna Elaine Duran, wagi bilang ‘Tawag ng Tanghalan’ Grand Champion

BCES Alumna Elaine Duran, wagi bilang ‘Tawag ng Tanghalan’ Grand Champion
Ni G. PERTANIX IAN A. CARMELO
 
Tinanghal na Grand Champion si Elaine Duran sa “Tawag ng Tanghalan” Season 3, na ginanap sa Caloocan Sports Complex noong Setyembre 28. Si Elaine, isang alumna ng Butuan Sentral ay buong galing na ipinakita ang kanyang talento at ginapi sa “Huling Tapatan” sina John Mark Saga na pumangalawa at si John Michael Dela Cerna sa ikatlong puwesto.
 
Sa grand finals kinanta niya ang medley mula sa kanta ni Basil Valdez.
 
Napanalunan niya ang P2 milyong premyo, isang house and lot, isang negosyo package, isang family vacation package, isang management contract sa ABS-CBN at recording contract sa TNT Records. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *