BXU Table Tennis Team, Naghakot ng Gintong Medalya

By: Daisy C. Balasabas, Teacher III

      DepEd Butuan City Division   

Hindi maikakaila ang galing ng mga batang atleta mula sa Lungsod ng Butuan sa larangan ng larong table tennis noong kasagsagan ng 22nd Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) na ginanap sa Siyudad ng Surigao noong Pebrero 24 – Marso 1, 2019. Dahil ang mga manlalarong kabataan na ito ay nakapag-ambag ng 7 gintong medalya at isang bronse upang maipanatili ang hinahawakang pagiging kampeon ng lungsod ng maraming taon.

         

Mula sa elementarya, Angela A. Marianito Single A – Gold mula sa Libertad Central Elem. School.  Mia Torralba Single B – Gold mula sa Butuan Central Elem. School. Samantha Keith B. Hingpit at Leah Separes Table Tennis Elem. Girls – Doubles – Gold parehong mag-aaral sa Libertad Central Elem. School. Si Gng. Myrlita D. Putong ng Libertad Central Elem. School ang kanilang coach.

                             

Sa sekundarya naman, James Anoc Single A – Gold mula sa Agusan National High School, Table tennis – Secondary Boys Doubles – Gold nakuha nina Kim Vincent Barneso mula sa Agusan National High School at Josh Michael Colon mula sa Father Saturnino Urios University. Si Gng. Victoria Balaba ng Agusan National High School ang coach ng mga kabataang ito. Samantala, sa table tennis girls naman, nakuha ni Althea Jade B.  Godez Single A – Gold mula sa Banza National High School. Baby Joy Niña Marianito Single B – Gold mula sa Agusan National High School. Sa Table tennis Secondary Girls Doubles – Bronze nakuha naman nina Princess Danica C. Bacalso at Apple L. Conde parehong mag-aaral ng Banza National High School. Si Gng. Analisa Brodeth ng Banza National High School ang naging coach nila.

Ang mga nasabing manlalaro na nakasungkit ng gintong medalya ay kabilang sila sa mga atletang magpapakita ng galing sa Palarong Pambansa 2019 na gaganapin sa Siyudad ng Davao sa buwan ng Abril. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *