Suporta, Hindi Pakikibaka

By RACEL T. DUMANIG

Butuan Central Elementary School

Central Butuan District I

Taong 2015, plano mo na sanang mag pahinga sa politika dahil ikaw ay 70 taong-gulang na. Boundary na kumbaga, oras na para sa sarili at sa Pamilya, pero maraming tao ang sumisigaw ng pagbabago, ikaw ang itinutulak na mamuno sa ating bansa.

Pinakinggan mo, nanalo ka. Hindi man disente ang pamamaraan ng iyong pamumuno pero nagkaroon ng pagkakaiba sa mga nagdaang Pangulo, Mahilig ka mang mag mura hindi dahil sa likas kang bastos pero dahil ikaw ay galit at nasusuklam sa mga trapo at mga buwaya na ilang-taon piniga ang kaban ng bayan para sa sariling interes.

Maraming nagrereklamo sa iyong pamamalakad ngayong panahon ng COVID-19. Lingid sa kaalaman nila na kahit mga 1st world na bansa ay naghihikakos dahil ngayon lang nakaranas ang mundo ng sitwasyong ito.

Matanong namin, pinilit nating tumakbo si Tatay Digong, hindi para SARILININ nya ang problema ng bansa. Dapat ay tulungan natin siya hindi dahil idolo natin siya kundi para sa ating mga sarili.

Ngayon pa ba natin siya iiwanan? Sa dami ng kaniyang sinakripisyo para sa ating bayan?

SUPORTAHAN NATIN ANG GOBYERNO. PARA SA ATIN DIN ITO.

Maraming salamat mahal naming Pangulo, ilang taon nalang makakapag pahinga ka na sa piling ng iyong Pamilya. Hinding hindi ka namin tatalikuran. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *