Landas ng tagumpay sa buhay atleta

Landas ng tagumpay sa buhay atleta
Ni DAISY C. BALASABAS
Teacher III
Mandacpan Elementary School
 
Sa gulang na 26, nakamit na niya ang pangarap niya sa buhay na maging kasapi ng Philippine Team.  Isang pambansang atleta na nagdala ng puri at karangalanan sa bayan.
 
Isinilang noong Enero 12, 1997 sa San Vicente, Butuan City. Anak ni G. Elpedio Besagas Nituda at Gng. Lilybeth Semine Nituda. Siya ay si Elly Jan Semine Nituda. Panganay sa apat na magkakapatid.
 
Nagtapos siya sa Mandacpan Elem. School sa kanyang elementarya noong 2009-2010 bilang athlete of the year. Sa Sekundarya, sa San Vicente National High School noong 2013-2014 na may karangalang athlete of the year. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Caraga State University mula 2014-2017 sa kursong Bachelor of Science in Mathematics sa loob ng tatlong taon.
 
Dahil sa kanyang angking galing sa sepak takraw, napansin ito noong nagkaroon ng National State Colleges and Universities Athletic Association noong 2017 sa Batangas City.  Dito na siya na recruit ng Rizal Technological University para maisali na sya sa National Team. Sa Unibersidad na ito nagtapos siya sa kanyang kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Physical Education noong 2021 sa Lungsod ng Mandaluyong, Metro Manila.
 
Ilan sa mga taong naging tulay sa kanyang tagumpay bilang atleta ay ang kanyang trainor na si Jerson Maquiso mula 2008-2017. Ang mga coaches niya na naging bahagi sina Gng.  Gloria Manilag (SVNHS), Gng. Charito Rodriguez at Espiridion Rodriguez (CSU).
 
Sa buwan ng Oktubre 2018 ay opisyal na siyang kasapi sa Pilipinas Sepak Takraw Team.
 
Ilan sa kanyang nasungkit na mga tagumpay sa loob ng bansa simula sa Elementarya hanggang sa kasalukuyan: First Gold Medal Best Regu Regional Meet sa Surigao City noong 2010 (Elem. Category), Silver Medal Best Regu Regional Meet sa Tandag City  noong 2014 (Secondary category), 4 times Regional Player, 2 times Palarong Pambansa Player, Silver Medal MAST Mindanao University Games 2016 sa Tandag City, Champion Best Regu Mayor’s Cup National Tournament noong 2018 sa Dipolog City at may special award bilang best spiker, Champion Team Regu NCR SCUAAA noong 2019 sa Manila at nakatanggap na naman bilang best spiker award.
 
Marami ng International games na ang kanyang nasalihan. Ang mga ito ay ang Korea Joining Training Camp Friendship Games noong April 15-May 15, 2019, 32nd Kings Cup World Championship sa Bangkok Thailand noong September 20-29, 2019, 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam noong May 10-17, 2022. Nakatanggap rin siya ng Bronze Medal Team Doubles sa 30th Southeast Asian Games noong 2019 na ginanap sa ating bansa.
 
Bukod sa kamakailan lang na 32nd Southeast Asian Games 2023 sa bansang Cambodia noong Mayo 5-17, 2023. Sa ngayon, pinaghandaan na naman niya ang laban sa iba’t-ibang bansa katulad ng mga sumusunod:  Asian Games 2023 sa bansang China ngayong September 15, Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na gaganapin sa Bangkok, Thailand ngayong November 17 at 26, 2023.
 
Bago nakamit niya ang tagumpay sa larangan ng isports, iba’t-ibang pagsubok na ang kanyang naranasan mula sa pinansyal na pangangailangan, sa pamilya, sa time-management bilang mag-aaral at atleta “kana bitaw nga ga training ka to improve your skills pero dili sab nimo pabayaan ang pag skwela grabe na kalisud kay usahay makatulog na gyod ko sa klase namu.”  ani ni Nituda. Dagdag pa niya, “Ang pinaka trials gyod nako as an athlete is kaning ma injury ka, grabe gyod ning injury kay dili gyod ka maka perform sa imong best to the highest picking sa imong skills”.
 
Sa katunayan, naging tinuring siyang bayaning atleta sa kasagsagan ng bagyong Ulysses nang isalba niya ang buhay ng tatlong tao na nalulunod na sa baha sa Marikina Provident Village noong Nobyembre 11, 2020. Ani nya, “Ang kakayahang tumulong sa mga taong nangangailangan sa panahon ng kahirapan ay mas mahalaga kaysa sa sariling materyal na gamit”. Napag-alamang iniwan na nya ang kanyang mga kagamitan maisalba lang ang buhay ng kapwa tao.
 
Ang mensahe niya sa mga kabataan ngayon, “Just build and develop your passion as long as you are happy whether your good in sports, arts, music, teaching, Ang importante hindi ito mabigat sa kalooban mo kasi mahal mo ginagawa mo, that’s Passion!” “And when your Fully excellent sa imung Passion daghan ang mga opportunity muduol sa imuha na usa sa makatabang sa imung journey from nothing to something. I Pray that All our Dreams and desires Come True, take Action to your Goals in life See you on the Top God bless you Amegoo!”
 
Ang pagiging mapursigi sa buhay ang tanging nag-udyok para makamit ni Elly Jan Semine Nituda ang Landas ng tagumpay sa buhay atleta.
 
Sa ngayon, kasalukuyang coach na sya ngayon sa Rizal Technological University– Main Campus sa Mandulyong, Metro Manila. Kasabay na rin ang paghahanda sa mga laban na kanyang tatahakin sa iba’t –ibang panig ng Asya at ng buong mundo.
 
Sabi nya, “Just trust the process, Never give up! Padayon sa Paglambo, Bunaal”###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *