Ngiting Tagumpay

Ngiting Tagumpay
Ni G. PERTANIX IAN A. CARMELO
 
Walang katumbas na kasiyahan ang mararamdaman mo kapag napagtagumpayan mo ang isang pagsubok. Sa kabila ng pawis at matinding pag-eensayo kapag maiuwi mo na ang medalya, tiyak lahat ng pagod mo ay mawawala. lyan ang buhay ng mga atleta.
 
Ngiting tagumpay ang ipinakita ni Richard Gonzales nang talunin niya si Tran Tuan Quynh sa ginanap na Table Tennis Men’s Single. Dito niya ipinakita ang kanyang angking galing sa larangan ng tennis.
 
Naging madali man kang Richard Gonzales ang laban, naipamalas niya ang kanyang buong kakayahan. Dito natin makikita na kapag tayo ay nagsumikap at mayroong determinasyon, tayo rin ay magiging matagumpay.
 
Bawat isa sa atin ay may pagsubok na pinagdadaanan, mahirap man o madali. Pero kagaya ng isang atleta, huwag tayong sumuko ng basta-basta.
 
Laban lang tayo ng laban at samahan ng pananalig sa Diyos. Tiyak lahat ng pagsubok ating matatagumpayan. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *