Bagong silid-aralan naipatayo ng SPTA
Ni DAISY C. BALASABAS
Teacher III
Mandacpan Elementary School
Maituturing na ang silid-aralan ay mahalaga sa mga mag-aaral. Ito’y nagsisilbing pangalawang tahanan ng bawat batang gustong matuto.
Isa ang Mandacpan Elem. School sa nabibilang sa mga paaralang kulang sa silid-aralan.
Upang matugunan ang pangangailangang ito ng bawat mag-aaral, nagkakaroon ng emergency class ang ika-apat hanggang ika-anim na baitang, kasama na ang isang pangkat sa una at ikalawang baitang.
Dahil sa hamon na kinaharap ng naturang paaralan, Ang School Parents Teachers Association sa pangunguna ni G. Rosalito B. Libres, SPTA President at Gng, Jocelyn A. Carampatana, punong-guro kasama ang mga magulang at guro nagpasya na magkakaroon ng pangangalap ng pondo.
Mula sa 100% na pagmamahal at suporta sa mga magulang matagumpay itong naitupad noong buwan ng Disyembre 2022 sa pamamagitan ng Yuletide King & Queen 2022. Nahirang na King si Emmannuelle Gabe Raypon mula sa ikatlong-baitang at Queen si Frances Kezeah B. Perolino mula sa unang baitang.
Naisakatuparan ang tanging ninanais ng mga magulang at mga mag-aaral madagdagan man lang ng isang silid-aralan.
Nagkaroon ng MOA signing ang mga opisyales ng SPTA sa nasabing paaralan para sa pagpapatayo ng nasabing silid-aralan na kasama si Engr. Nikael M. Madrea.
Sa ngayon nakalipat na ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang. Patuloy ang pakikiiisa sa mga magulang at mga stakeholders para sa pangangailangan ng bawat bata at guro alang-alang sa pagkamit ng minimithing edukasyon. ###