CENRO nag-organisa ng oryentasyon sa Solid Waste Management sa TNHS

CENRO nag-organisa ng oryentasyon sa Solid Waste Management sa TNHS
Ni ESTEVEN P. SILVOSA
 
Idinaos ang isang oryentasyon tungkol sa Solid Waste Management na ginawa sa Taligaman National High School (TNHS), pinangunahan nito ng Punongguro na si Ginoong Reylan R. Alas at Kawaksing-Punongguro na si Ginoong Jonas F. Saldia, mga representa mula City Environment and Natural Resources Office (CENRO), mga mag-aaral na kabilang sa Supreme Student Government (SSG) pinaunlakan ito sa araw ng ika-3 buwan ng Marso 2023.
 
Sa oryentasyong ito ay naging talakayan ang tungkol sa mga basura na nakakasama sa kapaligiran, “Waste management is the most important in our society” ayon nga ito kay HT I, Dept. Head Gng. Janet T. Marasigan.
 
Sumunod naman ang Yes-O Coordinator na si Gng. Laurence C. Arabis, para sa kanyang mensahe “This orientation is very helpful for our environment” ani niya. Kanya ring ipinakilala sa oryentasyon ang punong gurong TNHS na si G. Elmer M. Cataluña, at nagbigay din ito ng pahayag para sa kanyang inspirasyonal na mensahe.
 
Tinalakay naman ni G. Manuelito M. Bagolos, kinatawan ng CENRO, ang usapin tungkol sa Land Based Pollution Prevention and Mitigation isang paraan upang matugunan ang problema sa basura, ayon nga sa kanya ilan sa mga maling pamamaraan ng pagtatapon ng mga basura ang nagiging dahilan kaya nakakasira ito sa komunidad kagaya nalamang ng pagtatapon sa hindi tamang lagayan at pagtatapon ng mga basura kahit saan.
 
Isang Barangay lamang sa Lungsod ng Butuan ang kinikilalang maaring tapunan ng maraming basura ito ay sa Brgy. Doongan, Butuan City, isang impormasyon mula kay G. Bagolos.
 
Isa rin sa mga pahayag ni G. Bagolos, kinatawan ng CENRO, ang batas ng lungsod na Republic Act 9003 kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act. Dito na uukol ang tamang pamamaraan ng pag hiwa-hiwalay sa mga basura “Naatay upat ka ways kini ang Reduce, Reuse, Recycle ug Refuse” ayon nga ito kay G. Bagolos.
 
Pinag usapan din ang tungkol sa klasipikasyon ng mga basura, tamang pag-compost ng mga basura, mga recyclable na mga basura, mapanganib na mga basura, at pinagmulan ng mga basura.
 
Nag organisa din ang Alkalde ng Butuan City na si G. Ronivic Lagnada ng batas na Collection & Disposal Flow Per Executive Order 191, para sa mga katauhan ng lungsod.
 
Sumunod naman si Gng. Luzonia W. Antipodra, para sa pagtatalakay tungkol sa SP Ordinance No. 3617-2010, kilala bilang Anti-loitering Ordinance of Butuan City. “Kung kamo sege mog padakop sa amo, mo lambo sab ang munisipyo tungod sa inyong mga na bayad sa pag labag ninyu” ayon kay Gng. Antipodra. “Mag segregate para limpyo ang palibot” dagdag pa niya.
 
Pinangunahan naman ni G. Bagolos ang talakayan patungkol sa SP Ordinance No. 5445-2017 batas ukol sa mga basura ng lungsod at dito inihayag ni G. Bagolos ang maaring maging mga parusa para sa mga lumalabag sa pagtatapon ng basura kagaya lamang ng parusang pagbabayad “Ug gukdon ka namo kay ni labag ka sa batas sigurua dika ma dam-ag arun dika masakpan” ani niya.
 
Sumunod naman ang pagtalakay tungkol sa SP Ordinance No. 5598-2018 kilala bilang Smoke Free Ordinance of Butuan City na pinangunahan naman ni Gng. Jelly Ann C. Turo-Turo, ito ay isang ordinansa para sa mga taong mahilig mag sigarilyo sa mga pampublikong lugar “Once nga mag aso na imong sigarilyo unya masakpan ka ticketan naka diretso” ayon nga ito kay Gng. Turo-Turo.
 
Para naman sa pagtatapos ng oryentasyon ito ay pinangunahan ni Gng. Antipodra; nagpahayag din siya nga kanyang huling paalala para sa mga dumalo “Gamayng butang ang basura pero mahinungdanon” ani niya.
 
Malaki ang naging tulong ng isinagawang oryentasyon na isinagawa ng CENRO sa paaralan ng TNHS dahil dito mas mapapahalagahan at mabigyang tugon ang mga dapat gawin sa mga basura at mga ordinansa na ipinatupad ng Lungsod Butuan. ###
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *