DepEd magpapatupad ng Filipino E-Saliksik

DepEd magpapatupad ng Filipino E-Saliksik
By ERJELYN ANDIG CAMONGAY
La Soledad National High School
South Butuan District I
 
Bilang tugon sa Department of Education (DepEd) Memorandum OUCI-2022 at upang ipagpapatuloy ang proseso ng pagpapatupad sa unang programa ng Filipino E-Saliksik: Mga Isyung PamFilipino sa Edukasyon, ang rehiyon ay nagbibigay-alam at umapela sa lahat ng pansangay na tanggapin kalakip ng kani-kanilang Paaralan na bigyang suporta ang mga mananaliksik ng rehiyon mula sa pagpapalaot ng mga talatanungan hanggang sa pangangalap ng datos.
 
Sa mensahe ni DepEd Caraga regional director Ma. Gemma Mercado Ledesma sa kanyang inilabas na memorandum, ipinababatid sa nakalakip na memorandum ang mga kasunod na mga hakbang sa pagpaptupad ng Filipino e-saliksik sa taong ito na magsisimula na sa Abril 4, 2022.
 
Nakalakip din dito ang mga mananaliksik ng rehiyon at ang pamagat ng Saliksik.
 
Ang resulta ng kanilang saliksik ay malaking kontribusyon upang mabuo ang Programang Filipino E-Taguyod: Pambansang Programang PamFilipino sa Edukasyon.
 
Kaya naman, umapela ang DepEd sa lahat ng mga tanggapan at paaralan ng kagawaran na bigyang suporta ang mga mananaliksik ang nuong proseso ng kanilang pananaliksik mula sa pagpapalaot ng mga talatanungan hanggang sa pangangalap ng datos. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *