Search for the Most Outstanding School-Based Feeding Best Implementer for S.Y. 2020-2021

Search for the Most Outstanding School-Based Feeding Best Implementer for S.Y. 2020-2021
Ni DAISY C. BALASABAS
Teacher III
Mandacpan Elementary School
 
Upang mas lalong mapagtibay ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral ng Sangay ng Lungsod ng Butuan ay nagkaroon ng Feeding Program ang mga paaralan sa likod ng pandemyang naranasan. Mahigpit na sinunod ang mga health protocol sa pamamahagi ng naturang programa alinsunod sa IATF. Ang mga benepisyonaryo nito ay ang lahat ng mga kindergarten na mga mag-aaral at mga piling mag-aaral mula unang baitang hanggang ikaanim na baitang na nakararanas ng malnutrisyon.
 
Dahil sa programang inilunsad ng departamento, nagkaroon ng malawakang pagdaraos ng Search for the Most Outstanding School-Based Feeding Best Implementer sa taong 2020-2021.
 
Sa lahat ng mga paaralan ng Sangay ng Lungsod ng Butuan na dumaan sa mga masusing pagsisiyasat ay may limang paaralan ang natutukoy na nagwagi. Ang nakakuha ng 1st place ay mula sa Tagabaca Integrated School na si Gng. Cristeta B. Gingo (School Feeding Coordinator) at Si G. Charlo G. Ayuban ang Punong-guro. 2nd place mula sa San Mateo Annex Elementary School na si Gng. Catalina Diaz (School feeding Coordinator) at si Gng. Carolyn M. Caga ang Punong-guro. 3rd place mula sa Bilay Elementary School na si Gng. Jill C. Largo (School Feeding Coordinator) at si Gng. Maria Cristina J. Labetoria. 4th place ang Mandacpan Elementary School na si Gng. Josefina B. Berbal (School Feeding Coordinator) at si G. Raul L. Mahilum ang Punong- guro. 5th place ang Villa Kananga Integrated School na si Gng. Maria Conception Reyes and (School Feeding Coordinator) at si G. Carlito Nietes ang Punong-guro.
 
Ang nakakuha sa unang puwesto mula sa nasabing paaralan ay siyang opisyal na entry ng Dibisyon sa gaganaping Regional Search.
 
Ang mga nanalo ay makatatanggap ng sertipiko ng pagpuri sa araw ng Division Mancom. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *