No-Smoking Month Division-Wide Contest, Idinaos
Ni DAISY C. BALASABAS
Teacher III
Mandacpan Elementary School
Bilang tugon sa Deped Order no.48 s. 2016, Comprehensive Tobacco Control Policy, at sa pag-iwas ng Covid-19 infection, na madalas na nauugnay sa sakit ng ating respiratory system. Ang Deped Butuan City ay nagpasimuno ng Division-Wide Tula Contest.
Ang nasabing patimpalak ay sumusuporta ito sa No Smoking Month mula June 1-30 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 183.
Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya sa Sangay ng Lungsod ng Butuan.
Ang nasabing contest piece ay iisa lamang na gagamitin ng mga kalahok at ito ang opisyal na pisa sa paligsahan na pinamagatang “Panunumpa ng Kabataang Milenyo Laban sa Industriya ng Tabako” na isinulat ni G. Mabini B. Baluyot, ang kasalukuyang Division Tobacco Coordinator. Lahat ng mga sasaling entry ay kailangan pre-recorded video ng mga kalahok at ito’y ipapadala sa itinalagang email add bago o pagdating ng Hunyo 30, 2021.
Mula sa mga sumaling paaralan na 33 sa elementarya at 12 sa sekundarya. Ang hinihintay na resulta ay inihayag na sa FB page ng Deped Tayo-Youth Formation-Butuan City noong July 5, 2021. Sa Elementarya, 1st ang JT Domingo Central Elem School na si Patricia Jose, 2nd ang Don Gaudencio Elem. School na si French Leal Rodinas at 3rd Mandacpan Elementary School na si Marideth F. Salcedo. Sa Sekundarya naman ang nakakuha ng 1st ay La Soledad National High School na si Loela Tumulin, 2nd Los Angeles National High School na si Lyan Denise Labor, ang nakakuha ng 3rd ay ang La Trinidad High School na si Jhobelyn Mendoza.
Ang mga naturang nanalo ay ginawaran ng sertipiko ng papuri. ###