KWF Publikasyon, ilulunsad ang aklat ng Panitikang-bayan
By JAYSON JHON P. SUMAHID
Teacher II
Butuan Central Elementary School
Department of Education (DepEd) – Inilunsad ng Departamento ng Edukasyon ang taunang Buwan Ng Wikang Pambansa 2021 simula Agosto 1- 31. Ito ay pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Pinangunahan ng KWF ang pagdiriwang na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Ang mga layunin ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” ay ang mga sumusunod:
- Ganap na ipatupad ang proklamasyon blg. 1041
- Hikayatin ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na maging bahagi ng mga programa na nagpapataas ng kamalayan sa wika at sibiko
- Ipakita ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa lahat ng mga aktibidad na nauugnay sa ‘Buwan ng Wika’.
Isa sa mga aktibidad ay ang paglunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino Publikasyon ng Aklat ng Alaala ng mga Pakpak, isang Antolohiya ng Panitikang-Bayan para sa mga Bata na pinangungunahan ng mga editor na sina Dr. Eugene Y. Evasco, UP Professor of Language of Arts and Literature, at si Bb. Mariel G. Balacuit, DepEd-Teacher.
Isa sa mga tampok na istorya ay tungkol sa pinagmulan ng Ilog ng Agusan na pinamagatang “Ang Hiwaga ng Ilog ng Agusan” na isinulat ni Bryan M. Luzon isang guro mula sa dibisyon ng Butuan City. Isang malaking karangalan para kay G. Luzon na mapili ang kaniyang kuwento at mapabilang sa isa sa mga mapalad na kontribyutor mula sa mga kalahok sa buong bansa.
Inaasahang ilalabas ang nasabing kopya ng aklat sa darating na ika-18 ng Agosto 2021. Kalakip ang apatnapu’t isa na mga kuwentong pambata na isinulat ng mga kontribyutor mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. ###