Butuan City Division Idinaos ang Kauna-unahang Virtual DSPC

Butuan City Division Idinaos ang Kauna-unahang Virtual DSPC
Ni DAISY C. BALASABAS
Teacher III
Mandacpan Elementary School
 
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng 2021 Virtual Division School Press Conference (DSPC) noong March 15-21, 2021 kahit pa man sa likod ng hamon ng pandemya na kung saan ang Libertad National High School ang tinaguriang “Center for Communication” sa lahat ng mga aktibidad. Matagumpay itong naidaos sa pangunguna ng Division Coordinator sa English na si Gng. Maria Dinah D. Abalos at si Gng. Rolyn Yandug sa Filipino at ayon na rin sa patnugot ng Schools Divison Superintendent na si Gng Marilou B. Dedumo.
 
Ito’y sinalihan ng ibat’-ibang paaralan ng Dibisyon ayon na rin sa patnugot at suporta ng mga PSDS at punong-guro. Kasali na rin dito ang mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan ng syudad, Philippine Science High School-Caraga Regional Campus at Caraga State University-SHS. Nakamit ang tagumpay dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan na rin ng Program Management Team (PMT), Technical Working Group (TWG), Speaker Judges, Campus Journalist at School Paper Advisers.
 
Ang naturang Virtual DSPC 2021 ay dumaan din sa mga pagsubok lalong-lalo na sa larangang teknikal bagkus ito’y nakayanan at nalagpasan ng mga sumaling Campus Journalist kasama ang mga School Paper Advisers.
 
Sa likod ng mga pagsubok matagumpay na naipanalo ng bawat batang mamamahayag ang kani-kanilang landas na sinalihan.
 
Ang mga sumunod ay ang mga resulta sa mga nagwaging distrito sa Virtual DSPC 2021. Sa Elementarya, Over-all Champion Central Butuan District I, 1st runner-up East Butuan District I, 2nd runner-up Southwest Butuan District, 3rd runner-up South Butuan District I, 4th runner-up Southeast Butuan District II. Sa Sekundarya naman, Over-all Champion Central Butuan District I, 1st runner-up Philippine science High School- Caraga Region Campus, 2nd runner-up Caraga State University- Senior High School, 3rd runner-up West Butuan District I, 4th runner-up East Butuan District I.
 
Sa kabuuang ranking kung isasama ang kuha o scores ng bawat distrito sa elementarya at sekundarya lumalabas na Over-all Champion and Central Butuan District 1, 1st runner-up East Butuan District I, 2nd runner-up Central Butuan District 2, 3rd runner-up West Butuan District 1 at 4th runner-up West Butuan District 3.
 
Tuwa at galak ang nararamdaman ng bawat kasapi sa naturang aktibidad dahil napapatunayan ang katagang nagiging “posible ang imposible”. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *