Palarong Pambansa Gagawing Online
Ni G. PERTANIX IAN A. CARMELO
Tinanggihan ng Department of Education (DepEd) ang postponement ng Palarong Pambansa ngayong taon, sa halip gagawin ang kompetisyon online dahil sa banta ng COVID-19.
Iginiit ng DepEd na hindi papayagan na sumali ang mga mag-aaral na may edad 15 yrs old pababa. Gagawin din ang virtual na paligsahan kapag mayroon ng pahintulot ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ito ay isang magandang balita para sa mga mag-aaral na atleta upang kahit sa panahon ngayon, maipagpatuloy pa rin ang pagdebelop ng kanilang galing sa isports.
Naging isyu din dito ang kaligtasan mula sa virus dahil sa mga gagawing pag-eensayo pero tiniyak ng departamento na ito ang kanilang pangunahing sisiguraduhin sa palaro.
Magandang hakbang ito ng DepEd na kahit papaano maramdaman na ng mga mag-aaral ang unti-unting pagbabalik sa normal. ###