KWF magtatampok ng Ulirang Guro sa Filipino 2021

KWF magtatampok ng Ulirang Guro sa Filipino 2021
By ALGIER C. SEMACIO
Pinamanculan Elementary School
West Butuan District II
 
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magtatampok ng Ulirang Guro sa Filipino 2021.
 
Ang Ulirang Guro sa Filipino 2021 ay taunang Gawad na ibinibigay ng KWF sa mga natatanging guro na nagpamalas ng husay at inisyatiba sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino sa kani-kanilang komunidad.
 
Bukas ang timpalak sa lahat ng guro mula sa mga lalawigan at region na nagtuturo gamit ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa anumang asignatura o displina, mula elementarya hanggang tersiyarya, maging sa mga Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri.
 
Ayon kay Department of Education (DepEd) kalihim Leonor Magtolis Briones, ang mapipiling Ulirang Guro sa Filipino sa makatatanggap ng prestihiyosong medalyon at katibayan ng pagkilalala mula sa KWF.
 
Ang mapipili sa pre-judging na susulatan ng KWF ay kailangang magsumite sa o bago ang 5 Hulyo 2021 ng sumusunod:
 
  • Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang Paaralan na naglalahad ng katunayan ng kagalingan bilang guro sa Filipino o guro na gumagamit ng Filipino sa kaniyang pagtuturo ng may makabansa at makataong kamalayan; at katunayan ng No Pending Case at naakusahan at napatunayang nagkasala sa anumang kasong administratibo, sibil o criminal;
  • Kopya ng isang taong Performance Rating na hindi bababa sa Very Satisfactory (VS);
  • Folio ng natanggap na Gawad/pagkilala, kopya ng mga pananaliksik, publikasyon (aklat, journal, Pahayagang Pangkampus, atbp) mga naisagawang seminar o palihan, at iba pang proyektong may kaugnayan sa wika at kultura;
  • Kung nagtuturo ng ibang asignatura o disiplina, ilakip ang mga patunay na nakapagtuturo gamit ang Filipino. Jal. Modyul, banghay-aralin, silabus, pagsusulit, at iba pang kagamitang pagtuturo na naisusulat sa Wikang Filipino;
  • Kung sa KWF isusumite ang, kailangang magsumite ng hard file copy ng mga dokumento as soft copy na nasa CD;
  • Kung sa tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura, ipadala ang lahok, kailangang magsumite ng dalawang hard copy file at soft copy file na nasa isang CD.
 
Ang huling araw ng pagsumite ng mga nominasyon/aplikasyon ay sa 1 Hunyo 2021. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *