Pilipinas Nilampaso Ang Vietnam sa Table Tennis Men’s Single Round Robin, 3-0, Abante na sa Susunod na Round

Pilipinas Nilampaso Ang Vietnam sa Table Tennis Men’s Single Round Robin, 3-0, Abante na sa Susunod na Round
Ni G. PERTANIX IAN A. CARMELO
 
Pinuksa ni Richard Gonzales ng Pilipinas ang Vietnamese Player na si Tran Tuan Quynh, 3-0, sa pamamagitan ng estratihiya at pokus sa paglaro sa Table Tennis Men’s Single Round Robin noong Hunyo 3, 2015 sa Singapore.
 
Lusot na ang kalmadong pinoy sa susunod na round matapos tapusin si Tran Tuan Quynh.
 
Ginapi ng talentadong Pilipino ang Vietnam nang may malaking lamang sa unang set at sa ikalawang set, 11-3, 11-6, at tinapos na ni Richard Gonzales sa ikatlong set, 15-13.
 
Nahirapan ang Vietnamese Player samantalang pokus at nagpakita ng kakayahan si Richard Gonzales sa buong laro.
 
Pilit kunin ng Vietnamese player ang ikatlong set pero hindi pinayagan ng eksperyensadong pinoy na makalusot pa ito. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *