Motorcycle Back-Riding, Pinapayagan Na!

By RACEL T. DUMANIG

Butuan Central Elementary School

Central Butuan District I

Pinapayagan na ng DILG (Department of the Interior and Local Government) ang back-riding sa mga couple simula noong July 10,2020. Ito ay sugon sa pahayag ni DILG Interior Secretary Eduardo Año noong nakaraang Huwebes (July 9, 2020) sa isang radio interview.

Nilinaw ni Año na ang naturang “couple” ay yong nakatira sa iisang bubong, kasal man o hindi (common law) o kahit na mag nobyo o nobya basta nakatira sa iisang bahay lamang.

Samantala, nag anonsyo din ang Butuan City PIO ng naturang guidelines sa pag angkas ng motor kahapon July 17, 2020 base sa Executive Order No. 39 na pinalabas na guidelines ng DILG at PNP.

Ang naturang guidelines ay ang mga sumusunod:

ü  Pagsuot ng facemask.

ü  Pagsuot ng crash helmets sa driver at pasahero.

ü  Paglagay ng non-permeable transportation barrier sa gitna ng driver at pasahero.

ü  Para sa mga married couple, magpresenta ng photocopy ng Marriage Certificate at valid ID. Sa mga common law couples, valid ID na may parehong address ang ipapakita.

ü  Pagpapakita ng Barangay Quarantine Pass.

Ang naturang barrier na gagamitin ay yong sinumite lamang na desinyo ni Bohol Governor Arthur Yap at ni Angkas Advocate George Royeca.

Ang model ni Yap ay gawa sa steel frame na ilalagay sa gitna ng motorsiklo na may plexiglass o plastic para sa physical distancing ng driver at pasahero.

Samantalang ang desinyo naman ni Royeca ay kinakailangang suotin ng driver ang naturang shield na parang back pack.

Ang paglalagay ng barrier ay isa sa mga kondisyon ng NTF (National Task Force) sa pag payag sa motorcycle back-riding. Gayunpaman, bukas pa din ang task force sa pagtanggap ng iba’t ibang desinyo ng barrier basta nakakapagpapakita ng physical distancing sa driver at sa backride nito. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *