Mga iba’t ibang uri ng modaliti sa pagtuturo at pagkatuto sa bagong normal ngayon
Ni CHARLANE M. GALINDO
Agusan National High School
Central Butuan District I
Sa kabila ng pandemya ngayon sa ating bansa, hindi nagpaapekto ang Kagawaran ng Edukasyon na pinamumunuan ni Sekretarya Leonor Briones. Maraming nagbatikos sa kanya isa na ang mga magulang na may mga estudyante. Ayaw muna nilang paaralin ang kanilang mga anak dahil wala pang gamot sa COVID-19 virus. Si Pangulong Rodrigo Duterte nagsabi rin na wala munang klase kung walang bakuna. Ngunit di nagpatinag si Sec. Briones. Nagpresenta siya ng iba’t ibang modaliti sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Madaling nakumbinsi si Pangulong Digong Duterte at pinuri pa niya si Sec. Briones.
Narito ang iba’t-ibang modality sa Bagong Normal:
1. Klasrum na Virtual (Virtual Classroom)
Ito’y pagkakatuto sa kaligirang online na magbibigay pagkakataon para sa live na interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral habang nakikilahok sa mga aktibiti ng pagkatuto.
Mga halimbawa:
- Google Classroom
- Edmodo
- Schoology
- Web-Enhanced Learning Activities
- Open Educational Resources (OERs)
- LR Portals
- Deped Common
- Pagkonek ng mobile sa ordinaryong TV gamit ang Wecast Dongle
2. Online Distance Learning
Ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptap at smartphones. Maaaring synchronous (live, real time. Ibig sabihin kailangan mong mag-online sa oras ng iyong klase. Maaaring asynchronous (mag-online ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong guro).
Pagkatutong Online (Online Learning)- gamit ang mga sumusunod na resorses:
- Brain Pop
- Curiosity Stream
- Tynker
- Outschool
- Udemy
- iReady
- Beast Academy (Math)
- Khan Academy
- Creative Bug
- Discovery Education
Mga Tsanel Sa You Tube (You Tube Channels)
- Crash Course Kids
- Science Channel
- SciShow Kids
- National Geographic
- Free School
- Geography Focus
- The Brain Scoop
- Kids Learning Tubes
- Geek Furl Diaries
- Mike Like Science
- Science Max
- SoulPancake
Online Board Games
e-library (Kindle)
3.Eskwela sa Bahay (Home Schooling)
4. Pag-aaral na Pangmalayuan (Distance learning)
Ito’y online Distance learning. Ito rin ay Modyular na ginagamitan ng modyul. Iro rin ay ginagamitan ng TV at Radio Broadcast.
5. Modyular (Modular)
Ito ay paggamit ng mga learrnng modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed to electronic.
Mga halimbawa:
- Mga Modyul
- Mga Pilyegong Gawain (Worksheets)
- Mga Pilyego ng Aktibiti (Activity Sheets)
6. Paggamit ng TV at Radio broadcast
Ang distance learning mode na ito ay nangangailangan ng suporta ng mga magulang. Habang hinihintay ang Agosto 24 ay bibigyan ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito. Ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.
Mga Instruksyong base sa Radyong may mga segment at may mga modyul.
7. Eskwelang Pambahay (Home Schooling)
Ang bata ay nasa bahay lamang nag-aaral kasama ang magulang bilang guro.
8.Blended na Pagkakatuto (Blended Learning)
Ito ay kombinasyon ng Face to Face at Distance Learning
Mga Halimbawa:
- Klasrum na Flipped (Flipped Classroom)
- Mga modyul
- Mga Pilyegong Gawain (Work Sheets)
- Mga Pilyego ng Aktibiti (Activity Sheets)
Paalala: Ang usual o karaniwan sa loob ng mga normal na araw
9. Tradisyunal na harap-harapan pero May Distansya (Traditional face-to-face with Social Distancing)
Ito ay gagamitin sa mga liblib at taluktok na mga lugar na di pa naabot ng kuryente. Gagamitin din ito sa mga lugar na walang banta ng COVID na pahihintulutan ng IATF. Babawasan ng bilang ng mga mag-aaral. Ang karaniwang total ng mga mag-aaral lamang ay 20 o mababa pa sa bawat klase.Dapat iobserba ang minimum healthy standards.
10. Open High School program (OHSP)
Pwedeng maging Face-to-face with Social Distancing. May kabuuang bilang ng mga mag-aaral:21 at pataas sa isang klase.
11. Modified na Pagshift ng mga Klase (Modified Shifting of Classes)
Sa pagshift ng mga klase, ang pagtuturo’y direktamenteng nakapukos sa mga konseptong may kasamang mga aktibiti. Ang mga suplemental at pagtatayang gawain ay isa sa gagawin, dadalhin ng mga mag-aaral sa kanilang mga bahay. Ang shifting ay depende kung ilang mga araw na ang mga kompetensis at bilang ng mga kompetensing nakapaloob batay sa koda ng mga kompetensis at bilang ng mga kompetensing nakapaloob sa lahat ng mga saklaw ng pagkakaktuto.
12. Pag-shift ng mga klaseng may Dayadek na Pagtuturo (Shifting of classes with Dyadic Teaching
Sa modaliting ito, may dalawang guro sa loob ng klase bawat saklaw ng pagkakatuto. Ang mga bata ay daraan sa mga serye ng mga idibidwal na aktibiti pagkaraang maituro ang mga kompetensi ng pagkakatutong maipasiliteyt at mamonitor ng dalawang guro.
13. ESM-POkUS ng Pagtuturo(Junior High Schools)/ ESM-Focused Teaching (Junior High Schools)
Sa modaliting ito, ang Ingles, Agham at Matematika lamang ang ituturo sa paaralan. Ang ibang saklaw ng pag-aaral ay ituturo sa tulong ng modyular at pagdulog na homebased.
14. RESM-Pokus ng Pagtuturo-Elementary Schools (RESM-Focused Teaching (Elementary Schools)
Sa modaliting ito ang Pagbasa, Ingles, Agham at Matematika lamang ang ituturo sa paaralan. Ang ibang saklaw ng pag-aaral ay ituturo sa tulong ng modyular at pagdulog na homebased.
Pinagkukunan: Online Learning/Emergency Remote Teaching Modalities ###