Mahigit 2K ARBs sa Agusan del Norte tumanggap ng ayuda sa gobyerno
By Nora C. Lanuza
LUNGSOD NG BUTUAN (PIA) — Upang matugonan ang pangunahing pangangailangan ng Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, namahagi ang Department of Agrarian Reform o DAR sa probinsya ng Agusan del Norte ng ayuda sa mga magsasaka sa pamamagitan ng PASSOver: ARBold move for deliverance of ARBs from the COVID-19 pandemic o ARBold MOVE.
Ayon kay PARPO Andre Atega ng DAR Agusan del Norte, ang nasabing proyekto ay tugon sa Republic Act 11469 of the Bayanihan To Heal as One bilang suporta sa ARBs na kabilang sa frontliners para sa food security ngayong may pandemya.
Naglaan ang DAR Agusan del Norte ng mahigit P3,297,393 para sa nasabing proyekto.
Kabilang sa kanilang ibinigay sa 2,307 ARBs ay relief goods na may lamang bigas, canned goods, noodles at iba pang pangangailan tulad ng sabon, vitamins at face masks.
Nakatanggap din ang 683 ARBs ng farm productivity assistance na nagkakahalaga ng P2,165 bawat isa.
Nagpasalamat si Alma Cangmaong sa kanyang natanggap dahil lubos itong makakatulong sa kanila.
Samantala, nagbigay din ang DAR ng mga baboy sa 15 kababaihang ARBs bilang suporta.
Isa sa mga nakatanggap ay si Aurelia Mataganas at lubos ang pasasalamat dahil makakatulong ito sa kanilang pamumuhay sa panahong may COVID-19.
Nagpasalamat ang ARBs sa DAR sa tulong na natanggap dahil natugonan ang kanilang pangangailan lalo pa at hindi biro ang hamong dulot ng COVID-19 pandemic.(NCLM/PIA Agusan del Norte)