Ang pagkatatag ng Filipino Club sa Senior High School at ang mga gawain nito

Ni CHARLANE M. GALINDO

Agusan National High School

Central Butuan District I

Naitatag ang Filipino Club na may pangalang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMAFIL) ng Senior High School Department ng Lumbocan National High School noong ika- 15 ng 2016. Ito ay may mga inihandang mga gawain o mga aktibiti sa taong 2016-2017. Ang mga naging gawain ay ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may iba’t ibang paligsahan at pagsasagawa ng pananaliksik sa pamamagitan ng paggawa ng pamanahong papel (term paper).

Natupad lahat ang mga planadong gawain.

Matagumpay na naidaos ang pagdiwang ng Buwan ng Wika na nagshowcase ng mga iba’t ibang  paligsahan tulad ng katutubong sayaw, tula, performans, at dagliang talumpati noong Agosto 2016. Nagkaroon ng Pandistritong Paligsahan noong Agosto 22,2016. Ang mga nanalo ng Unang gantimpala sa Pandistrito ay isinali sa Pandibisyong patimpalak (Agosto 30,2016). Nasungkit ng West ll District ang unang gantimpala sa Katutubong sayaw (Ambago ES) at Dagliang Talumpati (Rosalie V. Andrada/Lumbocan NHS). Nagdaos din ng pampinid na palatuntunan ang Lumbocan National High School. Nagsagawa ng pananaliksik ang lahat ng mga mag-aaral sa Filipino at sila’y nagpasa ng pamanahong papel.

Sa taong 2017-2018, nagsagawa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagkaroon ng Pandibisyong Patimpalak. Si Bb. Rosalie V. Andrada ay nanalo pa rin sa pangatlong gantimpala sa dagliang talumpati. Nagkaroon din ng prajek ang Filipino Club at ang naging prajek ng samahan ay ang paggawa ng GULAYAN SA PAARALAN AT TANIMAN.Marami nang naaning mga gulay tulad ng okra, sitaw, sibuyas, at petsay.  kaya ang mga mag-aaral ng paaralang ito ay nangatuwa. Ang mga miyembro ng samahan ang nagtanim at sila rin ang umani ng mga ito. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *