Tungao CES Gymnastics, nagtagumpay sa DSC
Reah G. Ayon
Tungao Central Elementary School
Department of Education Butuan City
Tungao Central Elementary School (TCES) Gymnastics team, nagwagi at umani ng medalya sa nakaraang Butuan City Athletic Association- Division Sports Competition (BCAA-DSC) Gymnastics event na iginanap sa Butuan Central Elementary School ika-13 ng Nobyembre, 2019.
Tampok ng TCES Gymnastics team sina Railey Argel F. Raot-raot, Christian A. Arañas at Johnny Anthon V. Comiling na pinangunahan ng kanilang coach na si Bb. Reah G. Ayon.
Humakot ng gintong medalya si Railey Raot-raot sa kategoryang Floor exercise, mushroom, at individual all around. Nasungkit naman ni Arañas ang ikalawang pwesto sa larangan ng floor exercise at pangatlong pwesto sa individual all around. Sa karagdagan, nakuha naman ni Comiling ang unang pwesto sa mushroom, at ikalawang pwesto para sa individual all around.
Sa kabuuan, pinarangalang kampeon ang Tungao Central Elementary School Gymnasts sa Gymnastics Team Category na humakot ng pitong ginto, tatlong pilak, at isang tanso. “Ni improve sila compared last year and I observed seryoso sila sa ilang training karun” Bb. Reah G. Ayon, Tungao CES Gymnastics Coach. ###
Prix septoplastie Tunisie