PAGKAMULAT SA KATOTOHANAN

Reah G. Ayon

Tungao Central Elementary School

Department of Education Butuan City
Tila madaming harang na kahit anong ingay ng mga nilalang sa kagubatan ay hindi makadaan. Tila ba pinagkaitan at ako’y pinagbabawalan.  
Isa ako sa libo-libong taong na nakatira sa isang lugar na pinaliligiran ng mga magagandang tanawin ng kalikasan.  Dito namulat ang aking puso’t isipan na magmalasakit at magmahal sa kapaligiran. Pero dahil isa lang akong hamak na mamamayan, wala akong magawa upang matigil ang mga walang katuturan na inaasal ng mga taong gahaman sa pera at ginagamit ang kalikasan upang makalikom ng yaman. Sa kabila nito, rinig na rinig ko at aking nadarama ang mga hinaing at salitang ibinubulong ng mga punong kahoy na pinuputol  sa walang makabuluhang dahilan.
Sakit -iyan ang aking nararamdaman.  Iyan ang tangi kong alam. Gusto kong bumitaw ng mga salita at sabihin sa kanila ang mga katanungang, “Bakit pinagsamantalahan niyo ang  ating kalikasan? Bakit ‘di niyo ito kayang alagaan at protektahan?” pero nanaig pa rin ang takot na aking nararamdaman. Takot na baka ‘di ako paniwalaan at gawin na lamang nilang katatawanan.  Sa bawat salita at letra na aking sinusulat, kasabay ang luhang nagmumula sa mga matang nakikita ang ganda ng mundong ginagalawan at mahinang binubulong ang mga katagang “Kailan pa kaya mahinto at matapos ang paglalapastangan sa ating inang kalikasan?”
Ngunit sa kabila nang lahat ng mga pangyayaring ito, may puwang pa rin ang kasiyahan sa aking dibdib dahil alam ko na may pagkakataon pa upang mabago ang isipan ng mga taong katulad nila na mapagsamantala. Hindi ko man kayang ipagsigawan sa kanila na mali ang kanilang ginagawa pero kaya ko pa ring gumawa ng tama. May mga kamay pa ako na maaring gamitin upang gumawa ng mga bagay na maaaring bumago sa ikot at estado ng ating kalikasan sa kasalukuyan. Takot man ako pero maraming paraan upang ako’y maging produktibo. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *