Gov’t Agencies, DepEd katuwang sa isinagawang CBRP

Gov’t Agencies, DepEd katuwang sa isinagawang CBRP
Ni G. PERTANIX IAN A. CARMELO
 
Mahigit 103 recovering drug dependents ang nakilahok sa launching ceremony ng Community-Based Rehabilitation Program (CBRP) na ginanap sa quadrangle ng Paaralang Elementarya ng Butuan Sentral noong Oktubre 5, 2019.
 
Katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Department of Education (DepEd), isinagawa ang proyektong ito upang matulungan at mamonitor ang mga sumuko kung patuloy o huminto na ng mga ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
 
“Instead na ipapadala sa rehabilitation centers sa Surigao, Davao at Cagayan, sa community na gagawin ang rehabilitation through the CBRP,” saad ni G. Ramon C. Espiritu, Kagawad In-charge in Peace and Order ng Barangay Diego Silang.
 
Dagdag pa niya na ang rehabilitasyon ng CBRP ay tatagal mula Oktubre ng taon hanggang Hulyo, 2020 kung saan apat na service barangay ang bubuo sa Cluster 3 kabilang na ang Brgy. Diego Silang, Brgy. Agao, Brgy. Datu Silongan at Brgy. Rajah Soliman.
 
Base sa kanilang ginawang action plan, mayroon silang sessions para sa Family Education, mayroon ding Livelihood Skills and Training at Continuing Education and Employment Opportunities para sa kanila.
 
“Bago pa man maipatupad ang CBRP, ay mayroon ng initial na programa ang barangay sa pangunguna ni Barangay Captain Florita V. Montilla kung saan lahat ng drug dependents ay dumadaan sa rehabilitation at ini-employ sila like barangay workers, tanod at iba pa,” ani Kagawad Espiritu.
 
Hindi lamang ang mga recovering drug dependents ang magiging benepisyaryo ng naturang programa, kasama na ang pagbibigay ng symposiums tungkol sa Anti-Drug Abuse at iba pang social issues sa mga mag-aaral ng BCES na gagawin sa Abril hanggang Hunyo sa susunod na taon.
 
“Malaki ang bahagi ng Butuan Sentral upang maging matagumpay ang programa, sa tulong ng paaralan tiyak mahihikayat ang komunidad nito na maging drug-free para sa kabutihan ng kanilang mga anak na pumapasok sa paaralan,” pahabol ni Kagawad Espiritu.
 
“Layunin namin na patibayin at linangin ang mental, sosyal at spiritwal na aspeto nila sa pamilya at komunidad.” ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *