Libreng pamamahagi mula sa AFP at Barangay
By: Daisy C. Balasabas, Teacher III
DepEd Butuan City Division
Nagkaroon ng sama-sama at magagandang adhikain ang Armed Forces of the Philippines ng 23rd Infantry “Masigasig” Battalion, Philippine Army na naka base sa Jamboree Site, Purok-6, Brgy. Alubihid, Buenavista, Agusan del Norte kasama ang barangay ng San Vicente, Siyudad ng Butuan sa pangunguna ng batang kapitan na si Rauzil Carampatana ang pamamahagi ng mga school supplies mula sa barangay council at kawanggawa mula sa mga sundalo para sa mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Mandacpan noong June 4, 2019.
Nagbibigay ng mga libreng gupit ng buhok sa mga lalaking mag-aaral mula sa mga nasabing sundalo at magic show sa mga mag-aaral mula kinder hanggang ikatlong-baitang.
Sa pamamahagi ng mga nasabing school supplies, bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang dalang mga plastic bottle na may mga basura sa loob nito kapalit ng mga libreng school supplies mula sa barangay counsil ng San Vicente. Sa ganitong paraan, naibsan ang mga nagkakalat na basura sa nasabing paaralan.
Sa araw na ito, pasasalamat ang nasambit ng bawat batang mag-aaral habang nakatanggap ng mga libreng kagamitan sa paaralan at libreng gupit. ###