Mandacpan Volleyball girls kampeon
Si Konsehal Cromwell P. Nortega, G. Joel Ramira, City Sports Coordinator, G. Noel A. Barbajo (tagapagsanay) kasama ang mga batang manlalaro nang tinanggap nila ang kanilang premyo.
Sipag, tiyaga sa panahon ng ensayo at training at may determinasyon sa panalo ang tanging puhunan ng mga batang babaeng manlalaro sa Volleyball ng Mandacpan nang masungkit nila sa unang pagkakataon ang kampeonato sa 3rd Inter-School Sports Tournament noong April 7, 2019 sa Father Saturnino Urios Gym. Tuwa at galak ang kanilang naramdaman nang makuha nila ito. Sina Raichiel Ferrer, Kaye Dela Cerna, Trisha Mae Dagus, Princess Bryll Reponte, Queen Gundaya, Aubrey Reasol, Daniela Sarigumba, Espina ang mga manlalaro sa naturang tournament.
Itinanghal na kampeon ang Mandacpan Elem. School na may premyong gintong medalya at sertipiko at may salaping P10,000 na premyo. Pumapangalawa ang Anticala Elem. School na may pilak na medalya, sertipiko at P7,000 na salaping premyo. At Pumapangatlo ang Father Saturnino Urios University na may bronseng ginto at P 5,000 na salaping premyo.
Kinikilala ang galing ng mga nasabing bata; Best Open Spiker – Raichiel Ferrer, Best Server Kaye Dela Cerna, Best Setter at MVP nakuha ni Trisha Mae Dagus.
Sa mga kabataang manlalaro ng Mandacpan, Mabuhay at Binabati namin kayo! (Daisy C. Balasabas, Teacher III, DepEd Butuan City Division)